FIRST time ni Kapuso actor Benjamin Alves na makasama ang veteran actress na si Ms. Nova Villa, kaya naman hindi mapigilang ma-starstruck si Ben nang makaeksena niya ang actress sa lock-in taping nila para sa upcoming rom-com series na Owe My Love ng GMA Network.
Sa kanyang Facebook account, kuwento ni Ben na natulala siya nang slight habang ginagawa niya ang first scene with Nova.
“Grabe, kasama ko legend,” bigla raw niyang nasabi. “I quickly realized that I had a lapel and turned to our audioman who nodded and smiled in approval. Starstruck ako kay Ms. Nova Villa.”
Gagampanan ni Nova ang role ni Mama Eps, ang lola ni Lovi Poe sa serye. Si Ben naman ay si doctor Migs Alcancia.
Natutuwa ang mga fans nina Ben at Lovi dahil madalas silang mag-post ng mga updates sa lock-in taping sa kani-kaniang social media accounts.
Siguradong masaya hindi lamang ang story ng Owe My Love kundi ang lock-in taping dahil pawang mga komedyante ang kasama nina Lovi at Ben, sa pangunguna ni Ms. Ai Ai delas Alas.
-Nora V. Calderon