August 24, 2026

Home BALITA National

'Obet,' lalabas ng PAR sa loob ng 12 oras

'Obet,' lalabas ng PAR sa loob ng 12 oras
PAGASA

Bagama't kakapasok lang ng Bagyong Obet sa Philippine Area of Responsibility (PAR) kaninang 1:20 PM nitong Lunes, Agosto 24, inaasahan namang lalabas ito sa loob ng 12 oras, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Base sa datos na inilabas ng PAGASA ngayong 5:00 PM, huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 1,350 kilometers East Northeast ng extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 165 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong 205 kilometers per hour. 

Kumikilos naman ito pa-west northwestward sa bilis ng 30 kilometers per hour.

Ayon sa PAGASA, mananatiling malayo sa landmass o kalupaan ang bagyo at lalabas ng PAR sa loob ng 12 oras.

National

Sen. Jinggoy Estrada, pinayagang magpa-X-ray ng tuhod

Mapapanatili rin ng bagyo ang "typhoon" category habang nasa loob PAR, bago nito baybayin ang karagatan ng timog Japan, patungo sa karagatan ng hilagang Taiwan.

Nakatakda rin itong mag-landall sa southeastern portion ng mainland China. Kalaunan itong hihina bilang severe tropical storm sa Biyernes, Agosto 28, at tropical storm sa Sabado, Agosto 29.

Samantala, bagama't walang direktang epekto ang bagyo sa bansa, mahihila nito ang hanging habagat na magdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon sa susunod na mga araw.