Ang mga estudyante mula sa pampubliko at pribadong mga paaralan sa Pilipinas ay nagwagi sa World Robot Olympiad (WRO) Canada 2020X na sa unang bahagi nitong buwan.

Sina Mary Haidee Makinano, Trisha Belle Olaivar, at Juno Ceasar Escatron mula sa Candijay Municipality High School sa ilalim ng Department of Education (DepEd) - Division of Bohol ay nakakuha ng 3rd Place - Bronze Medal para sa OPENCategory ng Junior High School sa nasabing kumpetisyon na ginanap online noong nakaraang Nobyembre 12 hanggang 15.

Ang pambihirang proyekto ng mga mag-aaral ay tinawag na “Bohol Action to Solidify Agrikultura (BASAK).” Ito ay binubuo ng mga wind turbine, water pump, at biomass generator para sa industriya ng agrikultura sa kanilang lalawigan.

Gayundin, sina Naiah Nicole Mendoza, Denise Carpio, at Abigail Silva ng Dr. Yanga Colleges, Inc. ay nakakuha ng 1st Place - Gold Medal para sa OPENCategory ng Senior High School sa pamamagitan ng ‘PROJECT FEET’. Ang proyekto ay three-way innovation na may kasamang Plastic Recycling, Power Generation, at Provision of Footwear at maaari rin itong gumawa ng kasuotan sa paa mula sa plastik na basurah at lagyan ng mga piezo disc na maaaring makalikha ng lakas para sa mga mobile phone at iba pang mga gadget.

SP Chiz, nanindigang walang isinukong soberanya ang bansa sa pagkaaresto kay FPRRD

Sina Annette Nicole Ambi, Aaron James Amar, at Daniella Angela De Guzman mula sa parehong paaralan ay gumawa ng ‘PROJECT CYCLE’ at inuwi ang 2nd Place - Silver Medal para sa OPENCategory ng Junior High School. Ang layunin nito ay magkaroon ng isang bisikleta na maaaring mag-convert ng basurang papel na hinaluan ng mga water lily upang makagawa ng recycled paper at maaari ring makabuo ng lakas para sa mga mobile phone at iba pang mga gadget.

Pinuri ng DepEd ang mga koponan ng Philippine National Robotics sa pagsungkit ng pagkilala sa buong mundo sa nasabing kompetisyon.

“Iam aware that we have been facing adversities and challenges recently but seeing these learners triumph in the international stage motivates us to prepare and enhance basic education more for their future,” sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones.

Samantala, pinupuri din ng Philippine Robotics Olympiad National Organizer na si Mylene Abiva ang mga mag-aaral sa kanilang pagsisikap. Ibinahagi din niya ang mga kakulangan at sagabal na naranasan ng mga mag-aaral sa daan bago manalo sa kani-kanilang kategorya.

Ibinahagi ni Abiva na ang maging bahagi ng programa ay hindi madali dahil ginanap ito virtually at higit sa 720 mga mag-aaral mula sa higit sa 40 mga bansa ang lumahok sa kaganapan.

“The Philippine Robotics National Team overcame the adversity of slow internet access, remote meetings, school closure, and series of typhoons and online presentations to the WRO Canada judges,” dagdag niya.

-Merlina Hernando-Malipot