Patay ang katao nang magliyab ang dalawang van na nagbanggaan sa Valladolid, Negros Occidental kahapon ng madaling-araw.
Sinabi ni Police Capt. Wilfredo Benoman, hepe ng Valladolid Municipal Police Station (VMPS), naganap ang aksidente sa Barangay Sagua Banwa, Valladolid dakong 12:00 ng hatinggabi.
Dalawa sa mga biktima ang nakilalang magkapatid na sina Wendel at Carlo Larios, residente ng Mabinay City, Negros Oriental. Hindi pa nakikilala ang dalawang iba pa.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, kaagad na umapoy ang dalawang van sa head-on collision kaya hindi nakalabas ang mga driver at pahinante.
Nagpasaklolo pa ang apat ngunit mabilis nang lumaki ang apoy.
Tumagal ng mahigit apat na oras bago na-retrieve ang bangkay kung saan kinailangan pang gumamit ng cutter ng Bureau of Fire Protection.
Lulan ng wing van na may plakang MZK 1767 na papuntang norte ang magkapatid na Larios.
Habang ang dalawang biktima na sakay ng van na may plakang MHA 4613 ay papuntang Dumaguete City, Negros Oriental upang mag-deliver ng produkto.
-Fer Taboy