Kinumpirma ni Derek Ramsay ang break-up nila ni Andrea Torres sa kanyang Instagram nang sagutin niya ang comment ng isang netizen na bakit lahat ng sisi sa paghihiwalay nila ay kay Derek? Kung titingnan daw, one year lang ang relationship nila ni Andrea, samantalang ang relasyon niya sa past GF’s ay nagtatagal? Baka raw si Andrea ang may mali.
“Please don’t point the finger at anyone. There is nothing wrong with Andrea. She is a great woman. There is no third party!!! The breakup has happened so fast. Maybe 2 people are just not mean to be. Pls respect us na lang. We shared our love to all of you sana naman we can keep this to ourselves. Mahal ko si Ada (Andrea) kaya di ako magsasalita pero if Ihear lies about her Iwill defend her,” sagot ni Derek.
Ikinalungkot ng kanilang fans ang pagkumpirmang ito ng Kapuso actor, pero may mga umaasa pa ring sila ay magkakabalikan. Kaya lang, parang wala pang ex-GF si Derek na kanyang binalikan. Pero, malay natin at mangyari ito sa kanila ni Andrea.
Kahit nilinaw ni Derek na walang third party sa break-up nila ni Andrea, pero may ilang netizens na ginagawan sila ng isyu ni Pops Fernandez. Ang feeling nila, si Pops ang susunod na makakarelasyon ni Derek, hindi nila alam, matagal nang friends ang dalawa.
Dahil sa paghihiwalay nina Derek at Andrea, malabo na talagang matuloy pa ang project nila sa GMA-7 na Sanggang Dikit. At kung matuloy man ay baka si Derek na lang at papalitan na ang leading lady niya.
Gagawin naman ni Andrea ang Legal Wives bilang isa sa tatlong kapareha ni Dennis Trillo at balita namin, malapit na silang magsimula ng lock-in taping.
Nitz Miralles