August 23, 2026

Home BALITA Probinsya

PNP, kinilala mapayapang interbensyon sa insidenteng pag-aamok sa Camarines Sur

PNP, kinilala mapayapang interbensyon sa insidenteng pag-aamok sa Camarines Sur
Photo courtesy: PNP (FB), Contributed photo

Sinaluduhan ng Philippine National Police (PNP) ang ipinamalas na disiplina at katapangan ng mga personnel nilang tumugon sa malagim na armadong insidente sa Camarines Sur noong Sabado, Agosto 22. 

Sa nasabing insidente, naiulat na naputulan ng kaliwang kamay si Police Staff Sergeant Noli Miraña matapos siyang tagain ng isang lalaking armado ng bolo sa Brgy. Calalahan, San Jose, Camarines Sur. 

Ang team na kasama ni Miraña ay agad na pumagitan para protektahan siya at iwasang mas makasakit ang agresibong armadong lalaki. 

MAKI-BALITA: Pulis, naputulan ng kamay sa pag-awat sa lalaking nag-amok gamit ang bolo!

Agad namang nadala si Miraña at ang armadong lalaki sa isang medical facility para magamot at kalauna’y nailipat sa Bicol Medical Center.

Probinsya

Klase sa ADZU, mananatiling suspendido hanggang sa huling linggo ng Agosto!

Tiniyak din ng PNP na patuloy silang nagpapaabot ng kinakailangang tulong kay Miraña. 

Sa nasabi ring pahayag, personal na kinomendahan ni Chief PNP Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang ipinamalas na professionalism at katapangan ni Miraña, partikular ang isinagawa nilang aksyon bago tumaas ang tensyon sa lugar ng insidente. 

“I commend PSSg Noli M. Miraña for his courage and professionalism, and his fellow officers for immediately coming to his aid. Despite the danger they faced, they remained focused on protecting lives and bringing the situation under control,” pagkilala ni Nartatez. 

“Our officers are trained to talk first, de-escalate when possible, and use force only when necessary to protect life. Pero kapag may agarang panganib na, they must have the courage and sound judgment to act. That is responsible policing,” dagdag pa niya.