August 23, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Perfect na raw outside! Payo ni Toni Gonzaga kay Jen Oliveros, 'beauty within' naman ayusin

Perfect na raw outside! Payo ni Toni Gonzaga kay Jen Oliveros, 'beauty within' naman ayusin
Photo courtesy: Screenshots from Toni Talks (YT)

Nagbigay ng mensahe si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga para sa kontrobersyal na social media personality na si Jen Oliveros kasunod ng mga pambabash at kontrobersiyang kinaharap nito, lalo na sa kinasasangkutang intriga sa mga kapwa social media personalities.

Matatandaang sa mga nagdaang araw, naging mainit na usapin sa social media ang naging online bardagulan ng content creators na kinabibilangan ni Jen, Lash Omadto, Forda Ferson, Mentor Daniel, at Kamangyan na sinundan ng mga netizen at umani naman ng milyon-milyong views sa kani-kanilang platforms.

Maki-Balita: VIRAL: Awayang Jen, Lash, Forda, Kamangyan, atbp!

Sa latest episode ng “Toni Talks,” inusisa ni Toni ang ilang mga isyu ni Jen, partikular sa mga naging away niya sa mga kapwa social media personality, na ang ilan sa kanila ay itinuring niyang kaibigan.

Sa bandang dulo, nagpaalala si Toni na hindi lamang panlabas na anyo ang dapat pagtuunan ng pansin, kundi maging ang pagpapaganda ng pagkatao mula sa loob.

Tsika at Intriga

Claudine Barretto, 'pretty little baby sister' si Kitty Duterte

Ayon kay Toni, maganda na ang panlabas na anyo ni Jen, pero kailangan naman niyang i-work on ang panloob niya at iwasan na ang mga galit.

“Sobrang ganda ng outside mo. The inside should also be as beautiful as the outside. So yun na i-wo-work on," ani Toni.

"Na-perfect na yung outside, yung beauty, the beauty is now from within. Iyan naman ang ating i-wo-work on. No more hurting, no more lashing out

Sinang-ayunan naman ito ni Jen at sumagot ng, “Thank you, Ate Toni!"

Kaya naman, nakaabang na ang mga netizen kung unti-unti na nga raw bang magbabago si Jen at iiwasan nang magalit sa social media.