Ihanda na ang popcorn para sa isa na namang masayang movie marathon hatid ng GMANetwork ngayong Linggo, Nobyembre 22.

Maagang simulan ang family bonding sa Monsters vs Aliens sa Kapuso Movie Festival. Isang babae ang magiging higante matapos siyang tamaan ng meteorite sa araw ng kaniyang kasal. Mapapabilang siya sa grupo ng mga halimaw na ipadadala ng U.S. government para sugpuin ang alien mastermind na may masamang balak sa mundo.

Mapapanood naman sa GMABlockbusters ang TV premiere ng Black Lipstick na pinagbibidahan ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara, kasama sina Migo Adecer at Snooky Serna. Siya si Ikay, na may skin condition na vitiligo. Madalas siyang ma-bully sa kaniyang unibersidad. Matutuklasan niya ang mahikang dala ng isang mahiwagang black lipstick. At ang dating “Icky Ikay” ay magiging ang sikat na influencer na si Jessie.

Sa gabi ay ipapalabas sa Telesine Presents ang nakakaantig na dramang Bakla, tampok ang beteranong aktor na si Romnick Sarmenta. Gagampanan niya ang makulay na karakter ni Joy na nakatago sa pagiging masiyahin niya ang mga personal na problema.

Tsika at Intriga

Kris kinarga na lang ni Bimby pa-CR; celebs, netizens nabagabag

-MERCY LEJARDE