Matagal nang hinihintay ng loyal viewers ng GMAAfternoon Prime drama series ang Bilangin ang Bituin sa Langit, kaya tiyak na masaya na sila dahil magbabalik-telebisyon na ang kanilang family drama.

Ang Bilangin ang Bituin sa Langit ay ang madamdamin at nakakaantig sa pusong kwento ng mag-iinang inapi at maghihiganti sila sa angkang nagdulot sa kanila ng hirap.

Noong nakaraang buwan ay sumabak na sa 23-day lock-in taping sa San Mateo, Rizal, ang cast na pinangungunahan nina Mylene Dizon, Kyline Alcantara, at Ms. Nora Aunor. Kasama rin nila sina Zoren Legaspi, Ina Feleo, Gabby Eigenmann, Isabel Rivas, Yasser Marta, Canday Pangilinan at Divina Valencia.

Pagbabahagi ni Kyline. Hindi dapat palampasin ang mabibigat na eksena na kinunan nila sa fresh episodes ng afternoon series. Every week daw ay iba’t iba ang mga pasabog nila at mabibigat lahat. “Bago kami nagsimula ng taping sinabi na sa amin ni Direk Laurice Guillen, na marami kaming challenges na mararanasan sa muli naming pagti-taping.”

Tsika at Intriga

Kris Aquino, hinihikayat ulit na magpaalbularyo

Kaya tutukan na ang nalalapit na pagbabalik-telebisyon ng Bilangin ang Bituin sa Langit next month, sa GMA-7.

-Nora Calderon