Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na aabot sa 76 na pulis ang gumaling sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa datos ng PNP Health Service nitong Miyerkules ng gabi, kinumpirma na umabot sa 7,324 ang nahawaan ng COVID-19 sa hanay ng pulisya.

Sa nasabing bilang, aabot pa sa 439 ang active case.

Dahil dito, nasa 6,862 na ang mga pulis na nakarekober sa sakit gayunman, nakapagtala pa rin sila ng 24 na binawian ng buhay sa nasabing virus.

National

Honeylet naiyak sa ginawa kay FPRRD: 'Kinidnap n'yo siya, wala kaming laban!'

-Fer Taboy