Nag-alok ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng drive-thru service para sa pagpapakabit ng RFID stickers sa darating na Oktubre 31 at Nobyembre 1.

Isasagawa ito mula 9:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi sa kartilya ng Katipunan sa may Bonifacio Shrine sa Maynila.

Nilinaw ni Mayor Isko Moreno, layunin nitong makatulong sa national government para sa 100% cashless tollways payment scheme na ipatutupad nito simula sa Disyembre 1.

“Sa pakikipagtulungan ng NLEX, SCTEX, CAVITEX, at CALAX, ito pong tinatawag na easy trip RFID... sa pakikipagtulungan ng mga nabanggit na may hawak ng kumpanya na ‘yun, mayroon pong magaganap na drive-thru installation,” ayon sa alkalde.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Ang instalasyon ng RFID stickers ay para sa Class 1 vehicles lamang, kabilang ang kotse, SUV at passenger van.

“No documents needed, pumunta lang kayo dito, Sabado at Linggo. ‘Yan ang extra service sa inyo ng inyong pamahalaang-lungsod sa pakikipagtulungan ng DOTr at saka ng mga kumpanya,” ayon pa kay Moreno.

Libre ang stickers at kinakailangan lamang na magdala ng P200 para sa initial load at magsuot ng face mask at face shields.

-Mary Ann Santiago