KUNG may magandang bagay naidulot ang pandemic kay Bossing Vic ay walang iba kundi ang super closeness nila ni Talitha. Full of energy ang bata na tila hindi marunong mapagod kapag sumasayaw. Nag-iiba ang aura ng bata kapag nakikita ang sarili sa TV. Sa murang gulang ay marami itong alam na kanta.
“Noong normal pa ang buhay ay limitado ang bonding namin dahil nasa labas akong palagi. Ang nakatutok ay si Pauleen Luna. When pandemic came, puwersadong manatili ako sa bahay at nasubaybayan ang bawat galaw ni Tali. Mula sa unang word na binigkas. Malusog na bata si Tali at pinuna ito in a negative way sa social media.”
Ano ang masasabi ni bossing sa mga bashers ng anak? “Kung may nagkomento ng hindi maganda ay higit na mas marami ang natuwa sa pagiging cute ni Tali. They are free to express anuman ang gusto nilang sabihin. I have no control of that but they should be more responsible,”malumanay na payo ni Bossing Vic.
-REMY UMEREZ