WALA pang reaction si Paolo Contis sa sagot ng ex-wife niyang si Lian Paz na “anak ko lang po and Thank God may Daddy na siya” nang may magtanong kung anak ni Paolo si Xalene na dinala sa hospital dahil kinagat ng aso ang bibig.
Comment ng netizens, akala nila ayos sina Paolo at Lian na based na sa Cebu kasama ang dalawa nilang anak ni Paolo at ang husband nito.
Samantala, ang anak Paolo at LJ Reyes na si Summer ang motivation ni Paolo upang maging fit. Sabi ng leading man ng I Can See You: The Promise for six months, 30 pounds na ang nabawas sa kanyang timbang. Na-inspire raw siyang mag-exercise at magpapayat para sa kanyang one-year-old daughter na si Summer.
Kuwento ni Paolo sa interview sa kanya ng 24 Oras. “It’s not really the weight I lose but the life I gain. It’s true para sa akin. Napunta na ako sa point na pagtakbo ni Summer nang ikatlong hakbang, ayoko nang sumama, e. Hindi pwedeng ganun. Kailangan nakakahabol na ako. Ngayon, I eat better, I sleep better, I stopped drinking.”
Anyway, maganda ang feedback sa I Can See You: The Promise na nagsimula nang umere since Monday at sa Friday magtatapos. Kasama ni Paolo rito sina Andrea Torres, Benjamin Alves, at Yasmien Kurdi.
-Nitz Miralles