Tinatayang P2.2 bilyong halaga ng mga gamot, medical at dental supplies na binili ng Department of Health (DOH) ang nag-expire, nag-overstocked, o malapit nang mag-expire, isiniwalat ng Commission on Audit (COA).
Ang 2019 annual audit report ng DOH na inilabas nitong Lunes ng COA ay nagpakita din na higit P25 milyong halaga ng mga biniling gamot, kagamitan at medical supplies ay nasa panganib na posibleng maaksaya, at mawawalan ng bisa dahil sa mga kakulangan sa internal control na sinusunod sa mga bodega at storage facilities ng DOH at iba`t ibang mga ospital at tanggapan sa ilalim nito. Sa ulat na isinumite kay Health Secretary Francisco Duque III, iniugnay ng COA ang expiration, overstocking at malapit nang expiration ng mga gamot at iba`t ibang mga medical at dental supply sa mga sumusunod: Poor procurement planning, Inefficient and uncoordinated transfer or distribution and, Lack of monitoring and proper storage.
Sa P2.2 bilyong medical at dental supplies at mga gamot, halos P1.024 ay malapit nang mag-expire at dapat na ipamahagi agad.
Sinabi ng state auditors na ang factors “hindered the maximum delivery of the highest quality of medical/health care services to the general public and entailed wastage of government funds.”
Sinabi ng audit examiners na ang pag-expire at malapit nang expiration ng mga mahahalagang gamot at medical supplies ay malinaw na nagpapakita na ang DOH ay gumawa ng labis na paggasta, idinagdag na ang ahensya ay bumili ng “higit sa kailangan” Ang overstocking ng mga gamot na nagbunga ng pag-aaksaya ay nabanggit ng COA sa audit reports.l noong nakaraang taon. Muli, tinawag ng COA ang pansin ng mga opisyal sa kalusugan na mag-ingat sa paggamit ng mga pondo ng gobyerno sa pamamagitan ng pagtiyak na ang pagbili ng mga supply ay limitado sa kung ano ang agarang kinakailangan.
Pinayuhan din ng ahensya ang DOH na bilisan ang pamamahagi ng halos pa-expire nang mga gamot at mga karagdagang mabagal na imbentaryo na nagkakahalaga ng P1.138 bilyon.
Sa pagtugon sa hindi magagandang natuklasan sa pag-audit, ipinaliwanag ng DOH na ang ilan sa mga gamot ay binili noong 2017 habang ang ilan ay ganap na naipamahagi sa mga nangangailangan.
Sa parehong audit reports ay kinuwestiyon ang DOH para sa mga kakulangan sa internal control system.
Sinabi ng COA na nabigo ang DOH na gumamit ng orderly storage system at adequate controls para pangalagaan ang mga gamot, supplies at kagamitan na nagkakahalaga ng P25,492,832.791.41 “against possible wastage, loss, obsolescence or expiry.”
-BETH CAMIA at BEN ROSARIO