Tiniyak ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na rerepasuhin nila ang bagong pag-aaral ng mga Chinese scientists na nagsasabing ang gatas ng ina ay mahusay na lunas laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
“We will be reviewing this further,” ayon kay Vergeire.
Kinumpirma rin ni Vergeire na ang gatas ng ina ay nagbibigay ng proteksiyon sa mga sanggol laban sa ibang mga karamdaman.
Nauna rito, isang research team sa Beijing ang sumubok sa epekto ng human breast milk sa mga cells na nalantad sa SARS-CoV-2, ang virus na nagdudulot ng COVID-19.
Ang gatas ay kinolekta noong 2017 bago pa magsimula ang pandemic at ang cell types na mula sa animal kidney cells at sa young human lung at gut cells, ayon ulat ng China Morning Post.
Parehas umano ang naging resulta kung saan namatay lahat ng halos ng virus strain sa gatas.
-Mary Ann Santiago