August 26, 2026

Home BALITA Politics

Lumagutok sa kaliwang tuhod? Sen. Jinggoy, natumba habang naliligo!

Lumagutok sa kaliwang tuhod? Sen. Jinggoy, natumba habang naliligo!
MB FILE PHOTO

Kinumpirma ng kampo ni Sen. Jinggoy Estrada na natumba ang senador habang naliligo sa loob ng New City Jail nitong Miyerkules, Agosto 26, 2026.

Ayon sa kampo ni Estrada, nag-snap o lumagutok umano ang kaniyang kaliwang tuhod, dahilan upang tuluyan siyang matumba siya sa banyo.

“He was preparing to go to Cardinal (Santos Medical Center) when his left knee snapped,” anang kampo ni Estrada sa media.

Ang naturang insidente ay kaugnay pa rin ng nauna nang napaulat na balita hinggil sa pagpapahintulot ng Sandiganbayan kay Estrada na lumabas ng New City Jail at makapagpa-Xray dahil sa lagay ng kaniyang tuhod.

Nakatakdang sagutin ni Estrada ang lahat ng hospital bills, medical fees, transportasyon, at incidental expenses.

Politics

VP Sara, di karapat-dapat maging presidente!—Atty. Kapunan

Matatandaang kinumpirma ng legal counsel ni Estrada sa Sandiganbayan 2nd Division na may osteoarthritis sa magkabilang tuhod ang senador.

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Jinggoy Estrada, pinayagang magpa-X-ray ng tuhod

Noong Mayo 2026 nang tuluyang naaresto si Estrada hinggil sa kasong plunder na iniuugnay sa kaniya bunsod umano ng kinalaman niya sa maanomalyang flood control projects.

Kaugnay nito, minsan nang sinabi ng kaniyang kampo na nakatakda raw sanang sumailalim sa knee surgery ang senador dahil sa sakit na matagal na niyang iniinda sa kaniyang tuhod.

MAKI-BALITA: Sen. Jinggoy, umaasa sa patas na trato at due process, dahil sa ikatlong plunder case!

Inirerekomendang balita