PAREHONG mahusay na aktres sina Eugene Domingo at Sanya Lopez. Puwede talaga silang paglabanin sa isang seryosong drama episode, kaya hindi kataka-taka kung pinagsama silang dalawa ngayon sa isang fresh episode ng Sunday afternoong drama anthology na Dear Uge Presents: Ang Dalawang Mrs. U.
Sa story, nabiyuda si Stella (Eugene), at nalaman niya na may iniwang mana pala ang kanyang asawa sa lawyer nilang si Atty. George (Gardo Versoza). Pero makukuha lamang ni Stella ang mana niya kung magagawa niya ang kundisyong inihanda ng lawyer.
Malugod na tinanggap ni Stella ang hamon, pero ang hindi niya alam, kailangan pala niyang manirahan kasama ang kerida ng kanyang asawa, si Nelda (Sanya). Magtagumpay kaya si Stella sa pagkuha ng mana o mauwi sa away ang magkaribal?
Kaabang-abang ang mahusay na pagganap nina Eugene at Sanya sa Dear Uge Presents: Ang Dalawang Mrs. U sa Linggo, 2:30 pm.
Nora V. Calderon