July 27, 2026

Home BALITA

PCSO Chorale, aawit ng ‘Lupang Hinirang’ sa SONA

PCSO Chorale, aawit ng ‘Lupang Hinirang’ sa SONA
Photo courtesy: PCSO Chorale (FB)

Nakatakdang pangunahan ng Philippine Charity Sweepstakes Office Chorale (PCSO) Chorale ang pag-awit ng “Lupang Hinirang” sa gaganaping ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ngayong Lunes, Hulyo 27. 

Sa Facebook update ng PCSO Chorale, ibinahagi nilang handa na sila sa pagkanta ng pambansang awit sa inaabangang SONA ni PBBM. 

Anila pa, maituturing nilang pribilehiyo ang mapagsilbihan ang bansa sa pamamagitan ng musika. 

“What a privilege to serve our country through music,” pagkilala ng PCSO Chorale. 

Sa kaugnay na ulat, itinanghal na “Grand Prix Champion” ang PCSO Chorale sa Korea International Choir Competition (KICC) 2026 sa Incheon National University noong Marso 2026. 

Akbayan sa pamamahala ni PBBM: 'Sachet governance,' patingi-tinging responde

Matatandaan namang pinangunahan ni The Voice USA Season 26 Grand Winner Sofronio Vasquez ang pagkanta ng pambansang awit noong Hulyo 2025, sa ikaapat na SONA ni PBBM. 

MAKI-BALITA: Pag-awit ng ‘Lupang Hinirang’ sa SONA, malaking karangalan kay Sofronio