July 27, 2026

Home BALITA Politics

‘Pinapakulong, kinakasuhan!' Senate Minority, masama loob kaya ‘di sisipot sa SONA, sey ni Sen. Imee!

‘Pinapakulong, kinakasuhan!' Senate Minority, masama loob kaya ‘di sisipot sa SONA, sey ni Sen. Imee!
Photo courtesy: Contributed photo

Nanindigan si Sen. Imee Marcos at ilang kasapi ng Senate Minority bloc sa desisyon nilang hindi dumalo sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na gaganapin sa hapon nitong Lunes, Hulyo 27, 2026.

"Hindi na siguro," ani Marcos sa media nang kumpirmahin kung sisipot ba sila sa SONA.

Paliwanag pa ng senadora, masama raw ang kanilang loob dahil sa umano'y pagpapakulong raw ng administrasyon ni PBBM sa hanay ng minority bloc ng Senado.

"Papakinggan, yun nga lang masama ang loob namin. Kasi pinapakulong, kinakasuhan ang minority, yun lang. Parang di ko kaya," anang senadora.

Kabilang sa mga senador na hindi sisipot ay sina, Sen. Alan at Pia Cayetano, Sen. Robin Padilla at Sen. Loren Legarda.

Politics

‘Our democracy is in danger!’ Sen. Alan, binanatan PBBM admin

Wala pang malinaw na impormasyon kung sisipot sa SONA ang kapwa nila minority senators na sina Sen. Bong Go at Sen. Mark at Camille Villar.

"Nagtanungan lang kami ngayon. Walang usapan na mag-itim, na 'di sisipot," aniya pa.

Samantala, awtomatiko namang hindi makakasipot sa SONA at tatlo pang miyembro ng minority na sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Rodante Marcoleta na kapwa nakakulong sa New City Jail sa Payatas dahil sa kinahaharap nilang kasong plunder at ang nagtatagong si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na may nakabinbing arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).