Ikinalungkotng mga nag-aabang na sa airing ng teleseryeng Kahit Minsan Lang ng ABS-CBN na kanselado ang nasabing teleserye. “Restrictive scenarios of shooting” ang ibinigay na dahilan ng Star Creatives sa pagkakansela nito.
Ang hirap kasing gawin ng teleseryeng ito dahil madugo ang location at nag-taping pa nga sina Bea Alonzo at Richard Gutierrez sa General Santos City dahil sa fish port ng GenSan ang kanilang mga eksena.
Bukod kina Bea at Richard, kasama sa big cast ng Kahit Minsan Lang sina Rafael Rosell, Christian Bables, Jameson Blake, Roxanne Barcelo, at Jennica Garcia. Kasama rin sina Dawn Zulueta, Edu Manzano, at Ms. Helen Gamboa. Si Mae Cruz-Alviar ang director nito.
Paniguradong bibigyan ng kapalit na show ng Kapamilya network ang kasama sa cast ng teleseryeng nakansela.
Nitz Miralles