July 28, 2026

Home BALITA National

'Walang pinapatamaan:' VP Sara, may kilala raw 68-anyos na mukhang bangkay!

'Walang pinapatamaan:' VP Sara, may kilala raw 68-anyos na mukhang bangkay!
Photo courtesy: Alvin Sarzate (YT)

Pumatutsada si Vice President Sara Duterte na may kilala raw siyang isang tao na 68 pa lang ang edad pero mukha na raw bangkay. 

Sa naging pahayag ni VP Sara na ibinahagi ng Duterte supporter na si Alvin Sarzate sa kaniyang YouTube channel noong Lunes (araw sa The Hague, Netherlands), Hulyo 27, 2026, mapapanood na sinagot niya ang urirat ng mga tao tungkol sa sikreto umano niya sa pagpapanatili niya ng “glowing appearance” sa kaliwa’t kanan na usapin sa politika. 

Depensa ni VP Sara, wala naman daw siyang pinagbago magmula noong 2022 at nadagdagan lang daw siguro ang kaniyang skin care dahil sa kaniyang patuloy na pag-edad. 

“Hindi ba ganito ang glow ko noong 2022? Wala naman kasing difference sa sakin mula 2022 hanggang ngayon. Siguro nadagdagan lang ‘yong skin care kasi nagkakaedad,” pagsisimula niya. 

Pahaging ni VP Sara, wala daw siyang pinapatamaan pero mahirap naman daw na nasa murang edad ang isang tao habang mukha na umano agad itong  68-anyos. 

National

Sen. Marcoleta sa 'ex-speaker' na malapit nang kasuhan: 'Ganoon lang?'

“Mahirap na kapag 38 ka lang tapos magmumukha kang 68. Walang akong pinapatamaan,” aniya. 

Patutsada pa niya, may kilala raw siyang 68-anyos pero mukha na umano itong bangkay.  

“Kasi meron tayong kilala na 68 pa lang pero mukha nang bangkay,” tirada niya. 

“Wala naman nagbago sa akin simula noong 2022, in fact, before 2022, pareho lang ‘yon. Meron lang akong awareness ngayon sa aging ng mukha,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, wala namang binanggit na partikular na tao si VP Sara tungkol sa indibidwal na sinasabi niyang mukhang bangkay. 

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, maagang ipinagdiwang kaniyang ika-68 kaarawan sa ‘Salo-Salo sa Palasyo’

KAUGNAY NA BALITA: Kampanya kontra korupsiyon ni PBBM, PR stunt lang—VP Sara