Bumuo na ng sub-technical working group ang pamahalaan para sa pag-aangkat ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Science and Technology Secretary Fortunato dela Peña, ilan sa mga kagawaran na magsisilbing miyembro ng technical working group ay ang Department of Health (DOH), Department of Finance (DOF), Department of Foreign Affairs (DFA), ang Philippine International Trading Corporation (PITC), ang Department of Trade and Industry (DTI), National Economic Development Authority (NEDA) at ang Department of the Interior and Local Government (DILG).
Mangunguna sa technical working group (TWG) ang Procurement Service ng Budget Department.
Base sa ulat, nasa P2.4 bilyong halaga ang paunang ilalaan ng pamahalaan na budget para sa COVID vaccine.
Nasa 40 milyong dosages para sa 20 milyon katao ang libreng mabibigyan sa ilalim ng free vaccination program
-BETH CAMIA