“MY babies, Mason and Frankie,” ito ang caption ng dating aktor na si Leandro Munoz sa larawang pinost niya sa kanyang IG account kasama ang dalawang anak na parehong lalaki.

Leandro at mga anak

Opps, hindi pala tunay na lalaki ang panganay niya kundi isang transman base sa pag-amin ni Leandro sa panayam niya sa Just In online show ni Paolo Contis.

Unang ipinakita ang larawang bata pa si Frankie na Cheska pa ang pangalan noon at nang tumuntong sa edad 16 ay umaming same sex ang napupusuan niya.

Tsika at Intriga

De Lima, ML party-list suportado si Nadine Lustre sa pagsasampa ng reklamo

Tinanong muna ni Paolo kung gustong pag-usapan ni Leandro ang tungkol sa anak at kaagad namang sumagot ng oo ang huli.

“This is something I will never ever hide from the public or anyone should hide from the public because this is a serious matter.

“‘Yung anak ko when nag-turn siya ng 16 years old, kinausap niya ako. He was crying, sabi niya I need help. I am wrong. I need help maybe from a psychiatrist.

“Sabi ko, ‘Why?’ Because attracted daw siya sa same sex. Sabi ko, ‘There’s nothing wrong with you.’

“Sabi ko, ‘Is that what makes you happy?’ Sabi niya, ‘Yeah that’s what makes me happy. I feel like I am a boy, I am a man.

“‘Then, go with what you feel.’ My point here is kailangan talagang i-support natin what makes our children happy.

“Ever since na sinabi niya ‘yun, hindi na siya closet, hindi na siya nagtago. He came out. Now he’s a transman na ang tawag na sa kanya ngayon.

“Now he goes by Frankie, he’s 26 years old now and he’s a male, a trans male. He’s very very happy.

“So my message to everyone kung mayroon kayong anak na trying to come out, Give a hundred percent support.”

Natanong ni Paolo kung nakaranas ng discrimination ang anak niyang si Frankie.

“Meron siyang experiences that would probably be the reason niya na ayaw niyang mag-come out dahil nakita niya na may mga ganu’n.”

“That’s why, alam mo ngayon, because of his experience, he’s gonna be taking up psychology. Psychology para sa LGBT. Magpo-focus siya doon dahil ‘yun ang nagfi-fit sa kanya.

“He was able to go through that process because of the support of a psychologist and of course the parents. Thanks for allowing that (ikuwento),” say ni Leandro.

Nagpasalamat din si Paolo sa tiwalang ibinigay sa kanya ng dating aktor.

Sa ngayon ay lisensyadong financial advisor at broker si Leandro sa San Francisco, California.

-Reggee Bonoan