ISUSULONG ng House Committee on Youth and Sports Development na mabigyan ng kaukulang pondo ang Philippine Sports Commission (PSC) sa 2021 budget para matustusan ang kampanya sa Tokyo Olympics.
Ito ang nagkakaisang pahayag ng mga Kongresista sa pagpupulong na naganap nitong Miyerkules vai zoom, sa pangunguna ni Committee chairman Rep. Eric Martinez.
Kamakailan, ipinaliwanang ni PSC Chairman William Ramirez na kailangan nang tapyasin ang pondo upang patuloy na masuportahan ang mga Olympic bound athletes, gayundin yaong mga lalahok pa sa Olympic qualifying.
“We were one of those government offices who also contributed to the Bayanihan Act. The DBM (Department of Budget and Management) deducted from us. Para sa amin malaking bagay ‘yun kasi kasama doon ‘yung Olympic budget namin. Hanggang ngayon po bakante ‘yan. It’s an opportunity for us to ask, we need your help,” pahayag ni Ramirez.
Kabuuang P182 Million ang ipinirisinta para kahilingan na Olympic budget para sa Tokyo-bound athletes at mga nagbabakasaling makapasok dito.
“Rep. Bambol Tolentino has initially supported yung P 180 Million na allowances ng atleta which was approved by the bicam, and to be approved by the President. Thank you sa lahat ng congressman na sumuporta. Pero ‘yung Olympic budget namin, we are hoping again for your support,” ani Ramirez.
“ T h e Philippine Sports Commission is operating on the savings coming from PAGCOR ( P h i l i p p i n e Amu s e m e n t and Gaming Corporation). When we talk about the elite athletes of the national team, the budget being used is the NSDF (National Sports Development Fund),” aniya.
-Annie Abad