Ibinahagi ng Filipina tennis sensation na si Alex Eala ang bitbit niyang mantra sa kada laro at laban niya.
Nakapanayam kasi ni Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila si Alex sa isang episode ng vlog niya kamakailan.
Kabilang sa mga naurirat kay Alex ay ang mga sinabi ng mga magulang niya sa kaniya na hindi niya makakalimutan.
Aniya, “My parents always tell me not to doubt. There's no room for doubt.”
“And that's one of the mantras that I carry with me and in every match and every tournament,” dugtong pa ni Alex.
Ayon kay Alex, suportado raw siya ng mga magulang niya sa ginagawa niya. In fact, nauunawaan daw ng mga ito ang journey niya bilang tennis player.
“They are my support system. So it’s really nice to have them,” anang Filipina tennis sensation.
Matatandaang muling umalingawngaw kamakailan ang pangalan ni Alex matapos niyang manalo laban sa defending champion at dating world No. 1 na si Iga Swiatek ng Poland sa ikatlong round ng Wimbledon.
Sa laban na ginanap sa tanyag na Centre Court, nanaig ang 21-anyos na Pinay sa iskor na 7(11)-6(9), 6-2 upang makausad sa Round of 16 ng torneo.
Dahil dito, naitala ni Alex ang pinakamalalim na pag-abante ng isang Pilipino sa kasaysayan ng Wimbledon at ang pinakamagandang performance niya sa isang Grand Slam tournament.
Maki-Balita: Alex Eala, rumatsada sa Wimbledon; pinabagsak defending champion!