POSIBLENG gamitin ng Philippine Golf Tour ang istilong ‘bubble event’ para maipagpatuloy ang pro tour na naaayon sa health and safety protocols ng Inter-Agency Task Force.

Ayon kay Games and Amusement Board (GAB) consultant sa golf na si Oliver Gan, nagsumite ng proposal ang PGT para sa naturang konsepto na siyang ginagawa na sa international tournament, kabilang na ang NBA.

Sentro ng programa ang masusing pagpapatupad ng Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test or swab testing at ipagsunod sa health at safety standards na inilatag ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Disease (IATF-EID) at Department of Health (DOH).

Sinabi rin ng dating Philippine Sports Commission (PSC) sports coordinator na kabilang sa napipisil na venue ang Summit Point Golf and Country Club sa Lipa, Batangas, Beverley Place Golf Club sa Mexico, Pampanga at iba pang mga golf courses, partikular sa parting Luzon.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

“This are all under their proposal, pero lahat ng ito ay pinag-aaralan dahil sa magiging malaki ang gastusin ng ating mga pro-golfers, lalo na kung hindi maganda ang laro ng isang player tapos mag-risk siya magbayad ng P20,000 ay talagang mabigat,” pahayag ni Gan sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ via zoom nitong Huwebes sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission at PAGCOR