July 27, 2026

Home BALITA Politics

Masusing pag-aaral, konsultasyon, panawagan ni Rep. Diokno sa Pax Silica

Masusing pag-aaral, konsultasyon, panawagan ni Rep. Diokno sa Pax Silica
Photo courtesy: via MB, Chel Diokno (FB)

Ipinapanawagan ni Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno sa pamahalaan ang masusing konsultasyon at pag-aaral bago tuluyang itayo sa Pilipinas ang Pax Silica, na inisyatibo ng United States Department of State para sa artificial intelligence (AI) at supply chain security. 

MAKI-BALITA: ‘Perwisyo o benepisyo?’ Mga dapat malaman tungkol sa Pax Silica

Parte ng naging talumpati ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kaniyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), binanggit niya na ang pagtatayo ng Pax Silica Industrial Hub sa Luzon ay magsisilbing ecosystem na magbibigay ng trabaho sa mga Pilipino, habang tinitiyak ang pag-usad ng ekonomiya ng bansa. 

Bilang tugon, inihayag ni Diokno sa kaniyang Facebook page nitong Lunes, Hulyo 27, na bago tuluyang itayo ang Pax Silica, kinakailangan muna ng mga ahensya ng tunay na konsultasyon sa mga lokal na komunidad, masusing pagsusuri sa epekto ng kalikasan, at kasiguruhang hindi tataas ang presyo ng tubig at kuryente sa bansa. 

“Tama bang minamadali ang Pax Silica? Kailangan muna ng tunay na konsultasyon sa mga lokal na komunidad, masusing pagsusuri sa epekto sa kalikasan, at kasiguruhang hindi tataas ang presyo ng ating tubig at kuryente,” panawagan ni Diokno. 

Politics

‘Our democracy is in danger!’ Sen. Alan, binanatan PBBM admin

Ang hinaing na ito ng Kongresista ay sinang-ayunan ng maraming netizens at hiling din nila, maisakatuparan ang mga ito bago lapatan ng aksyon ng pamahalaan. 

“Public dissemination of information. Dapat isiwalat ang probable consequences nito.”

“Hope there will be a legislative hearing to fully discuss the project b4 simulan...dapat kasama ang sambayanan sa pagtalakay ng pros and cons ng project at malinaw ilatag ang plano pra alam natin kun nasusunod o hindi ang mga dapat gawin at napagkasunduan. And let it be win-win”

“Tama po kc madaming feedback na it will have a big impact on water supplies, and power supplies etc...need muna ilatag ang plano, magkaroon ng transparency, and malinaw na benepisyo kung itutuloy yan dito sa bansa.”

“Demanding transparency on Pax Silica—without supporting or opposing the project—is a reasonable position. The goal is simply to ensure that the public has access to complete and accurate information before any major decisions are made.”