July 28, 2026

Home BALITA

Matutupad o maliligwak? Buod ng ikalimang SONA ni PBBM

Matutupad o maliligwak? Buod ng ikalimang SONA ni PBBM
Photo Courtesy: Screenshot from RTVM (YT)

Nag-umpisa sa ganap na 4:00 ng hapon ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City. 

Simula pa lang, tinumbok na agad niya ang kontrobersiyal na isyu ng korupsiyon sa Pilipinas, partikular ang maanomalyang flood control projects. Narito ang ilan sa mahahalagang usaping nahagip sa ulat ng Pangulo.

—Pagtugis sa pinsan niyang si Leyte 1st District Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez na mahaharap sa patong-patong na kaso dahil sa pagkakasangkot sa maanomalyang flood control projects.

—Nagawa nang bawiin ang ₱25 bilyong ninakaw  mula sa mga anomalya sa flood control projects habang ₱800 milyon nito ay agad na naibalik sa treasury.

—Ipapaubaya na sa Office of the Ombudsman (OMB) ang pag-uusig sa mga akusadong sangkot sa maanomalyang flood control projects sa tulong na rin ng mas pinalakas na National Prosecution Service.

Politics

Masusing pag-aaral, konsultasyon, panawagan ni Rep. Diokno sa Pax Silica

—Magsasagawa ng reporma sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Bawat proyekto, bantay-sarado sa transparency portal, integrity chain, at katuwang na mga civil society organizations.

–-Mahigit 12,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang naiuwi sa Pilipinas sa gitna ng sigalot sa Middle East habang 40,000 naman ang naabutan ng tulong.

—Nagdeklara ang pamahalaan ng agarang State of National Energy Emergency para maiahon ang nahihirapang mga mamamayan sa patuloy na sigalot sa Gitnang Silangan noong Marso.

—Nagawang makabili ng gobyerno ng produktong petrolyo sa mga karatig-bansa sa kabila ng pagsasara ng Strait of Hormuz.

—Lagpas 6,000 Pilipino ang nabigyan ng hired-on-the-spot sa isinagawang job fair noong Mayo 1, 2026 sa kasagsagan ng mataas na presyo ng krudo.

—Hinikayat ang mga bangko at e-wallet na magbawas ng karaniwang singil sa bawat transaksyon online 

—Patuloy pa rin ang pagbibigay ng ginhawa ng administrasyon ni PBBM sa mahigit 12 milyong Pilipino sa pamamagitan ng programang Benteng Bigas Meron Na

—Titiyaking mabigyan ang mga mamamayan ng kaunting proteksyon sa gitna ng mataas na proteksyon sa kuryente, partikular noong Hunyo.

—Labindalawang MRT-7 stations ang bubuksan na sa susunod na taon.

—Pagdating ng 2040, kalahati ng mga sasakyan ay electric vehicle na.

—Matatapos na ngayong taon ang South Luzon Expressway Toll Road 4 (SLEX TR4) na ang ruta ay babaybay mula Sto. Tomas, Batangas papuntang Tiaong, Quezon.

—Ligtas Pinoy Centers na idinisenyo bilang panangga sa mga kalamidad ay magsisimula nang itayo ngayong taon.  

—Pagtutuunan ang pag-amyenda sa National Building Code para maging batayan sa mga modernong pamantayan.

—Oplan Kontra Baha inilunsad sa buong bansa bilang katuwang sa paglaban sa ghost at substandard flood control projects

—Sa kabila ng mga programa para lutasin ang problema ng pagbaha, hinikayat ng Pangulo ang pangangailangan sa wastong pagtatapon ng basura.

—Pagtatatagin ang sistema ng agrikultura para matiyak ang supply ng pagkain at ang mababang presyo nito.

—Bago matapos ang administrasyong Marcos sa 2028, inaasahang makakapagtanim ng isandaang milyong niyog sa buong bansa.

—Mas malakas na ang kakayahan ng National Food Authority (NFA) sa pagbili ng ani ng mga magsasaka sa mas magandang presyo.

—Sa loob ng apat na taon, lampas 400,000 na ang sumatotal ng mga benepisyaryo ng agrarian reform na nabigyan ng titulo.

—Umapela ang Pangulo sa Kongreso na ipasa ang "Sariling Kuryente Act" para maging simple, madali, at abot-kaya ang pagpapakabit ng solar panels at battery storage system.

– Higit 500,000 pabahay, naitayo at napondohan kasama na ang higit 100,000 na naitayo sa loob lang ng isang taon sa tulong ng 4PH Program

– Pensyon at subsistence allowance ng mga retiradong uniformed personnel, itinaas simula ngayong taon. 

– Humigit-kumulang 44 milyong Pilipino, protektado na ng SSS, kasama rito ang mahigit 80,000 na mga tsuper, tindero, gig workers, job order, at iba pang impormal na sektor. 

– Limang estudyante kada barangay, ituturing na “Presidential Scholars” na makakatanggap ng ₱100,000 upang maparami ang kabataang makakapagtapos ng kolehiyo. 

– 1.8 milyong kabataan, sumailalim sa malawakang training program para sa kahandaan sa AI. 

– PBBM binigyang-halaga ang katapangan ng mga estudyanteng nasawi sa Tacloban City school shooting na sina Chris Lorenz Fabian, Joyancee Separa, at Ayessa Nicole Dazo. 

– Mahigit 4.5 milyong Kinder at Grade 1 na mga mag-aaral, inaasahang mapapakain ng school-based feeding program ngayong taong-panuruan. 

– Expanded Career Progression (ECP), nakapag-promote ng mahigit 80,000 na mga guro, school heads. 30,000 posisyon, nadagdag sa Kagawaran sa Edukasyon. 

– Suporta sa sports, itinaas nang triple. Tennis at football, mamatahang suportahan lalo ng pamahalaan dahil kay Alex Eala at sa hangarin ni PBBM na makasama sa World Cup ang Philippine football team. 

– Mahigit 2,000 gamot, tinanggalan ng Value Added Tax (VAT) sa tulong ng GAMOT program at mas papalawakin pa ito sa susunod na taon. Halimbawa sa iba’t ibang uri ng blood test at gamot para tukuyin at maagapan ang mga sakit sa bato, atay, thyroid, at hepatitis B. 

– Mahigit 7.5 milyong Pilipino, nakatamasa ng benepisyo ng PhilHealth mula noong 2022. Halos tatlong milyon, walang binayaran sa pagpapagamot mula noong Hulyo 2025 dahil sa Zero-Balance Billing program. 

– Mga ospital ng Department of Health (DOH) mayroon nang “e-MAIFIP” kung saan dalawa na ang requirements at hindi na kailangan ng guarantee letter, o “GL-GL” upang hindi na kailangang pumila o magmakaawa ang taumbayan sa mga politiko. 

– Pilipinas, nakatakdang magkakaroon ng Comprehensive Economic Partnership Agreement sa United Arab Emirates (UAE) at may 23 free trade agreements in force o under active negotiations sa iba pang mga bansa. 

– ₱6 trilyong investment, nakamit sa pamamagitan ng Green Lanes sa loob ng lumipas na tatlong taon. Dahil dito, aabot umano sa mahigit 400,000 na bilang ng mga trabaho ang naibigay sa mga Pilipino. 

– Pax Silica Industrial Hub, magbibigay ng de-kalidad na mga trabaho para sa mga Pilipino, magdadala sa isang competent industry, at susulong sa ekonomiya ng bansa. 

– Sounding rocket launch test, ikakasa sa Cagayan sa susunod na taon kasama ang South Korean aerospace company.

– Emergency rice supply, magagarantiya sa tulong ng ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve System sakaling magkaroon ng shortage ang Pilipinas. 

– Parliamentary elections sa BARMM, maikakasa na sa pagtitiyak ng COMELEC, law enforcement, at iba pang mga stakeholders.

– PBBM, idiniing hindi mga sakim o racist mga Pilipino, nanindigan para sa WPS alinsunod sa 2016 Arbitral Award. 

– “Sa mga pang-aalipusta, hindi tayo matitinag. Sa manlulupig, hindi tayo pasisiil”—PBBM. 

– PBBM, nangakong tatapusin lahat ng kaniyang nasimulan at tutuparin lahat ng mga pangako sa loob ng natitira niyang dalawang taon na termino.