LAST time we checked, may 58,778 likes na ang photos na pinost ni Jinkee Paquiao na nakasakay sila sa kariton ng dalawa niyang anak na babae habang namamasyal sa Kitagas Katubao Kiamba, Sarangani. Tuwang-tuwa ang mga kaibigan ni Jinkee sa kanilang nakita na kung gaano siya ka kampante sa palasyong bahay nila sa Makati City at General Santos City, ganu’n din siya kampante na nakasakay sa kariton.
Post ni Jinkee: “Ang “kariton” (bow). Nagpapasalamat ako sa Panginoon na nakabalik ulit ako sa lugar kung saan ako lumaki at nag-aral ng elementary. Ang saya saya lang balikan ang nakaraan kung saan sumasakay kami ng kariton noon. Sinasama kami noon papunta sa bukid sa niyugan ng tatay ko sakay ng kariton at ngayon masaya ako na ma-experience ulit na sumakay kasama ang mga anak ko. Masaya sila na na-experience nila at hindi sila natakot! #karitonsabisaya #gratefulforeverything #starringangdriverclassmatekosaelementary.”
At least, iba ang location ng photos nina Jinkee at kanyang mga anak, hindi sa loob ng bahay, pero siguradong branded pa rin ang suot nilang damit ng mga anak at branded ang mga bag ng dalawa niyang anak na babae.
May nag-comment na sa nasabing litrato, hindi maaakusahan si Jinkee ni Agot Isidro na insensitive dahil hindi masyadong nakabalandra ang branded nilang gamit ng kanyang mga anak.
-NITZ MIRALLES