July 27, 2026

Home BALITA

'Justice hanap ko!' Rovelyn Baterbonia, 'di na nga ba tatanggapin alok ng Ateneo?

'Justice hanap ko!' Rovelyn Baterbonia, 'di na nga ba tatanggapin alok ng Ateneo?
Photo courtesy: Contributed photo

Tila nagpahaging na si Rovelyn Baterbonia—ina ng namayapang student-athlete na si Rene Baterbonia, hinggil sa nakabinbin umanong settlement offer ng Ateneo de Manila University (ADMU) bunsod ng pagkamatay ng nasabing atleta.

Sa pamamagitan ng isang shared post noong Linggo, Hulyo 26, 2026, nanindigan si Rovelyn na hustisya raw ang gusto nila.

“Baterbonia family walang balak tanggapin ang alok na settlement ng admu," anang shared post ni Rovelyn.

Habang mababasa naman sa caption ang, "Justice hanap ko."

Photo courtesy: Rene Baterbonia,Rovelyn Baterbonia,Ateneo

Matatandaang noong Hulyo 11 nang ibinahagi ng legal counsel ng pamilya Baterbonia na si Atty. Israelito Torreon ang settlement na alok ng ADMU sa naulilang pamilya ni Rene.

Matutupad o maliligwak? Buod ng ikalimang SONA ni PBBM

“Sinabihan kasi kami ni Ma’am Baterbonia na ipalampas lang daw po namin ang 40 days mula ng pagkamatay ni Rene bago sila mag-decision kung magsampa ba ng kaso o tanggapin nila ang offer of settlement ng Ateneo,” ani Torreon sa kaniyang FB post noong Hulyo 11.

Kung sakaling tanggapin ng pamilya Baterbonia ang alok na settlement ng Ateneo ay nangangahulugang hindi na nila sasampahan ng kasong kriminal o civil ang nasabing unibersidad.

KAUGNAY NA BALITA: 'Kaso o settlement?' 40 days ni Rene, palilipasin muna bago magdesisyon pamilya niya—Torreon

Noong Hunyo 8 nang kumalat sa mga balita ang trahedyang sinapit ng team building ng Ateneo Men's Basketball Team sa Dipaculao, Aurora na ikinasawi nina Rene at Nigerian national na si Divine Adili matapos silang malunod.

Ilang araw pa lamang nang nakarating si Rene sa Maynila noong nangyari ang aksidente habang si Adili naman ay sophomore cager na ng ADMU.

MAKI-BALITA: ADMU Pres. Fr. Roberto Yap nagsalita; 'fact-finding' sa pagpanaw ng 2 atleta, isasagawa!