July 23, 2026

Home SPORTS

'Kaso o settlement?' 40 days ni Rene, palilipasin muna bago magdesisyon pamilya niya—Torreon

'Kaso o settlement?' 40 days ni Rene, palilipasin muna bago magdesisyon pamilya niya—Torreon
PHOTO COURTESY: CONTRIBUTED PHOTO, ATENEO WEBSITE

May nilinaw si Atty. Israelito Torreon, abogado ng pamilya Baterbonia, hinggil sa umano'y desisyon ng mga naulila ng student-athlete na si Rene Baterbonia kaugnay sa kaso ng kaniyang pagkamatay.

Sa isang pahayag nitong Sabado, Hulyo 11, 2026, ibinahagi ni Torreon na marami umano ang nagtatanong tungkol sa estado ng kaso ni Baterbonia dahil sa mga balitang umiikot na nakatuon sa mga hakbang at pahayag ng Ateneo de Manila University kaugnay ng insidente.

Ayon pa sa kaniya, iginagalang nila ang kahilingan ng pamilya na huwag munang magdesisyon hinggil sa pagsasampa ng kaso hanggang sa lumipas ang 40 araw mula nang pumanaw si Rene.

“Sinabihan kasi kami ni Ma’am Baterbonia na ipalampas lang daw po namin ang 40 days mula ng pagkamatay ni Rene bago sila mag-decision kung magsampa ba ng kaso o tanggapin nila ang offer of settlement ng Ateneo,” ayon sa pahayag.

Dagdag pa ng abogado, handa silang tumulong sa pamilya anuman ang maging pasya nito, maging ito man ay pagtanggap sa alok na settlement o pagsasampa ng kasong kriminal at sibil laban sa mga sangkot.

Mantra ni Alex Eala: ‘Wag magduda!

“Kung magdesisyon ang pamilya na ayaw na nila ang kaso, wala po kaming problema doon at kami pa mag-assist sa kanila para ma finalize ang mga dokumento para maisulat po ang ano mang kasunduan na maabot nila,” saad pa sa pahayag.

Paliwanag pa niya, “Pero kung magdesisyon po sila na mag-file ng kriminal o civil na kaso ay handa rin po kami at nabigay na rin namin sa kanila yung mga drafts ng mga kaso na pwede nila ifile. I-finalize namin yun kung meron na sila klarong desisyon.”

Noong Hunyo 8, sumiklab sa mga balita ang nangyaring trahedya kay Baterbonia kasama ang isa pang kapwa Atenista at Nigerian national na si Divine Adili na nalunod sa Dipaculao, Aurora.

Si Baterbonia ay ni-recruit ng Ateneo de Manila University at kararating lamang ng Maynila noong Hunyo 4 bago nangyari ang aksidente.

Ayon sa imbestigasyon, nagsagawa noon ng team building ang Ateneo Blue Eagles bilang parte ng kanilang routine drills sa paghahanda ng koponan sa mga nakatakda sana nilang lalabanang liga.

MAKI-BALITA: ADMU Pres. Fr. Roberto Yap nagsalita; 'fact-finding' sa pagpanaw ng 2 atleta, isasagawa!