TUGUEGARAO, Cagayan – Kinumpirma ni Medical Center chief, Dr. Glenn Mathew Baggao na nasa 21 na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang naka-confine ngayon sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC).

Kabilang aniya rito ang apat na bagong pasyenteng may virus kung saan kasama ang isang 57-anyos na lalaki mula sa Catugan, Lallo na mayroong travel history sa bansang Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Naka-admit din sa CVMC ang 43 taong gulang na lalaki na taga- Bayabat, Amulung, Cagayan. Isang Locally Stranded Individual mula sa Makati City.

Kabilang din na nasa pangangalaga ng ospital ang isang 46 -anyos na lalaki na taga-Zone 2, Temblique, Baggao. Ito ay nanggaling ng Batasan sa Quezon City at dumating sa Cagayan nitong Hulyo 4.

Pang-apat na dinala sa CVMC ay ang pasyente na 41-anyos na babae, taga-Zone 2, Imurung, Baggao. May travel history mula Malabon at nakauwi ng Cagayan nitong Hulyo 5.

Probinsya

Lalaking may autism na nangialam umano ng bisikleta, patay sa saksak sa Davao City!

Na-swab test ito at nagpositibo sa virus, kahit ito ay asymptomatic o walang nakitang sintomas ng sakit.

Sa kabuuan ay 10 ang taga-Cagayan kung saan 2 sa Bayabat, Amulung; 1 sa San Roque, Enrile; 1 ng Cataggaman Nuevo, Tuguegarao City; 1 sa Cagumitan, Tuao; 2 sa Maggalad East, Enrile; 1 sa Catugan, Lal-lo; 1 sa Temblique, Baggao at 1 sa Imurung, Baggao.

Aabot naman sa 11 ang mula sa Isabela na kinabibilangan ng dalawang galing ng Lullutan, Ilagan City; isa sa Bagong Tanza, Aurora; tatlo sa San Juan, Quezon; isa sa Barucboc, Quezon; dalawa sa Casibarag, Cabagan; isa sa Santos, Quezon, Isabela; at isa sa Bliss Village, Ilagan City.

-Liezle Basa Iñigo