Tuloy-tuloyang paghahatid ng saya ng GMA Network sa kanilang loyal viewers dahil sa exciting at bigating movie line-up na handog para sa buong pamilya ngayong weekend.

Gabbi at Khalil

Ngayong Sabado, Marso 14, balikan ang magical journey ng mga karakter sa fantasy movie na Enteng Kabisote: OK Ka Fairy Ko… The Legend napinagbibidahan nina Bossing Vic Sotto at Kristine Hermosa sa Kapuso Movie Night.

Isa ring kamangha-manghang kuwento ang naghihintay sa Legend of the Guardians: The Owls of Ga’Hoole na ipapalabas sa Kapuso Movie Festival ngayong Linggo, Marso 15. Iikot ang kuwento sa isang young barn owl na nagngangalang Soren kasama ang kaniyang buong pamilya na nakatira sa Tyto forest. Dadalhin niya ang viewers sa isang adventure matapos siyang atakihin ng Tasmanian devil at makidnap ng dalawang long-eared owls!

Vice Ganda, napikon sa nanay ng batang nagpa-picture sa kaniya?

Samantala, humandang kiligin sa GMA Blockbusters kung saan bibida sina Kapuso Global Endorser Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa movie musical na LSS. Paniguradong matutuwa ang romance at music lovers kay Sarah (Gabbi) at Zack (Khalil) habang isinasabuhay nila ang mapapait na heartbreaks at ang pagmamahal nila sa bandang Ben&Ben.

Bago matapos ang weekend, pakatutukan din ang maaksyong pagganap ni Raymart Santiago bilang Ronaldo sa Marahas sa Sunday Night Box Office (SNBO). Masusubukan ang pagkakaibigan nina Ronaldo at Russel (Raymond Bagatsing) na akala nila’y hindi matitibag matapos magsumpaang magtutulungan kahit anong mangyari. Ngayong iba ang pinili nilang mga landas, magbago rin kaya ang pakikitungo nila sa isa’t isa?

Huwag palalampasin ang mga pelikulang ito ngayong Sabado sa Kapuso Movie Night pagkatapos ng Magpakailanman at ngayong Linggo sa Kapuso Movie Festival pagtapos ng iBilib, GMA Blockbusters pagtapos ng Dear Uge, at SNBO pagtapos ng The Boobay and Tekla Show sa GMA-7.