July 31, 2026

Home FEATURES

ALAMIN: Sustansyang dala ni ‘Melanie’

ALAMIN: Sustansyang dala ni ‘Melanie’
Photo courtesy: Unsplash


Kilala mo pa ba si Melanie?

Ang avocadong si Melanie ay sumikat kamakailan, kung saan tampok siya sa mga videos ng content creator na si BAET.

Kasabay niyang sumikat ang kapwa niya prutas na si Sharmaine, at ang isa pang karakter na si Vanessa, na nais ipanotaryo ang kani-kanilang mga bagong pangalan.

Pero ngayong Biyernes, Hulyo 31, kinikilala ang mga katulad ni Melanie, sapagkat ipinagdiriwang ngayong araw ang National Avocado Day.

QUICK FACTS TUNGKOL KAY MELANIE, ESTE AVOCADO

Ayon sa Encyclopedia Britannica, ang avocado ay isang edible fruit na galing sa Lauraceae family.

Native ang prutas na ito sa Western Hemisphere—mula sa timog Mexico hanggang sa Andean regions.

Ang puno nito ay mataas, at mayroon din itong elliptic hanggang egg-shaped leaves na aabot ang sukat sa 10 hanggang 30 sentimetro.

MASUSTANSYA BA ANG MGA AVOCADO?

Ayon sa Healthline, ang mga avocado ay nagtataglay ng maraming sustansya na mabuti para sa katawan ng tao, gaya na lamang ng healthy fats at fiber.

Trending

‘New home!’ Menor de edad na inampon, tutungo na US!

Mayroon din itong anti-inflammatory at antioxidant compounds na makatutulong upang maibsan ang pagkakaroon ng sakit sa puso.

Kung ang goal ay magkaroon ng sapat na timbang, swak na swak ang avocado para sa diet.

Gayong mataas ito sa calories, nagtataglay naman ito ng mataas na lebel ng fiber at healthy fats.

Maganda rin ang avocado upang maging source ng nutrients para sa mga buntis at nagpapadede.

Ilan pa sa nutrients na dulot ni “Melanie” ay ang vitamin B6, vitamin C, potassium, vitamin E, at folate.

Napatunayan na ng siyensya ang health benefits ni Melanie, kung kaya’t swak na swak siya sa overall health at diet quality ng isang indibidwal!