July 31, 2026

Home FEATURES Trending

‘New home!’ Menor de edad na inampon, tutungo na US!

‘New home!’ Menor de edad na inampon, tutungo na US!
Photo courtesy: NACC (FB screenshot)

Natagpuan na ng menor de edad na si “Jollyan” ang kaniyang bagong tahanan matapos ang matagumpay na “adoption journey” kasama ang kaniyang adoptive parents mula sa USA.

Sa Facebook page ng National Authority for Child Care (NACC) noong Miyerkules, Hulyo 29, mapapanood na pinatunog ni Jollyan ang “Bell of Joy,” na sumisimbolo sa pagkakaroon ng panibagong pagsisimula sa buhay.

Ito rin ay nagsilbing pre-departure visit ni Jollyan kasama ang kaniyang adoptive parents na sina “Timothy” at “Caroline” bago sila pumunta sa USA.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 5.6K views ang kuhang video na ito ng NACC. Karamihan pa sa mga iniwang komento ng netizens ay pagbati at pagdiriwang sa adoption milestone ni Jollyan. 

“Every child deserves a home, deserves to be loved, cared for, and protected. Every child deserves to grow up in a place where they feel safe, valued, and accepted. A loving home can change a child's life, because every child deserves not just to survive but to truly belong and be loved unconditionally Congrats Jollyan and Ms. Caroline and Sir Timothy”

Trending

Kakaibang apoy sa Palawan, pumukaw ng haka-haka sa netizens!

“Congratulations to the lucky parents and child praying one day kami rin”

“You deserve this happiness.”

“congrats for finding a new home new beginning”

“awwnaiyak ako bigla”

Habang ang ilan, humihiling din na maging matagumpay ang personal nilang pag-aampon at pagbubuo ng sariling pamilya. 

“Praying for ours too”

“Waiting for this opportunity”

“Praying for our case to be settled soon.”