July 31, 2026

Home SHOWBIZ

Kara David, nagkomento sa relasyon ni Apple sa bagets

Kara David, nagkomento sa relasyon ni Apple sa bagets
Photo Courtesy: Kara David, Apple David (FB)

Ibinahagi ni Kapuso award-winning broadcast-journalist Kara David ang opinyon niya tungkol sa relasyon ng trentahing courtside reporter na si Apple David kay Chad Gammad na 18-anyos. 

Si Chad ay basketball player na bahagi ng Letran Knights.

Sa isang episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, nahagip sa usapan ang tungkol sa grooming, na ang babae ay malaki ang agwat ng edad sa lalaking karelasyon.

“Alam mo, ang mas problematic sa akin ay kapag may power na involved. Sexual harassment na ‘yon. Iba na ‘yon. ‘Yong age, sa totoo lang, ‘wag lang menor de edad. Kung kunwari, pareho na namang nasa age of discernment na, adults na pareho, kahit na malaki ang age gap,” saad ni Kara. 

Kasunod nito, tuluyan nang dinala ni Boy ang usapan sa relasyon nina Apple at Chad na pinupulutan sa social media. 

Musika at Kanta

SB19, kauna-unahang Filipino act na nagtanghal sa Lollapalooza!

“Actually,” sabi ni Kara, “ang mas issue ko do’n hindi ‘yong age gap. Ang mas issue ko do’n, ‘yong journalist siya tapos nire-report niya. Tapos, ‘di ba you shouldn’t have relations with your case studies.”

“Paano na ‘yong pagiging objective mo do’n sa nire-report mo kung may relasyon ka do’n sa ‘yong case study? Parang mas do’n ako,” dugtong pa niya.

Matatandaang nagsimulang maging kontrobersiyal si Apple nang ibahagi niya sa social media ang larawan nila ni Chad nang hindi hagip ang mukha nito.

Inulan pa siyang lalo ng batikos nang palabasin niyang tila wala naman umanong masama sa relasyon nila. 

Matapos ito, humingi ng dispensa si Apple sa mga nasaktan sa namumuong ugnayan sa pagitan nila ni Chad.

Maki-Balita: Apple David, nag-sorry sa mga na-offend sa relasyon nila ng basketbolistang bagets