Humingi ng dispensa ang trentahing courtside reporter na si Apple David sa mga nasaktan sa umano’y relasyon nila ni Letran Knight Chad Gammad na 18-anyos pa lang.
Sa ulat ng Frontline Pilipinas noong Martes, Mayo 26, sinabi niyang malay umano siya sa risk ng relasyon nila ni Chad dahil sa agwat ng kanilang edad.
“But it's a risk we are both taking and I hope people can be kind enough to allow us to do that in peace,” saad ni Apple. “Sa mga tao po na nakakaintindi, sa mga tao po na sumusuporta, maraming maraming salamat po sa inyo.”
Dagdag pa niya, "Sa mga na-offend, we're sorry but we just ask for respect as this should be a happy time for us."
Sa kasalukuyan, isang buwan nang nasa dating stage ang dalawa.
Matatandaang nagsimulang maging kontrobersiyal si Apple nang ibahagi niya sa social media ang larawan nila ni Chad nang hindi hagip ang mukha nito.
Inulan pa siyang lalo ng batikos nang palabasin niyang tila wala naman umanong masama sa relasyon nila.
Maki-Balita: 'Masama ba?' 34-anyos courtside reporter, jumowa umano ng basketbolistang 18-anyos