SA launching ng Asterisk Artists Management na pag-aari ni Kristian G. Kabigting na subsidiary ng Asterisk Digital Entertainment ay isa si Hillary Tan sa naging paboritong kulitin ng mga imbitadong bloggers Dahil na-link pala siya kina Alex Diaz at Diego Loyzaga.

Hillary

Si Hillary ay 22 years old, napasama na siya sa mga teleseryeng Be Careful with my Heart (2012-2014) at love triangle siya kina Mario Mortel at Janella Salvador; Since I Found You (2018); We Will Survive (2016) bilang pinsan ni McCoy deLeon at nakagawa na rin ng maraming TVC.

Nanligaw si Alex kay Hillary at ito ‘yung mga panahong hindi pa inamin ng aktor ang sexual preference niya.

Tsika at Intriga

Nadine inokray sa toy collection, gaya-gaya raw kay Marian

Tawa ng tawa si Hillary sa panunukso sa kanya ng kaibigang blogger na bakit hindi niya naamoy si Alex.

“Actually nagulat po ako nang malaman ko ‘yung news na ‘yun. Actually, schoolmate ko siya nu’ng college and then nag-artista na rin siya and nalaman ko na recently umamin siya na bisexual daw siya.

“Nu’ng narinig ko ‘yung news na ‘yan nagulat talaga ako kasi before hindi ko in-expect na magiging ganu’n siya, I think baka ngayon lang niya na-realize sa sarili niya na baka iyon ang gusto niya and I’m happy for him, I don’t have any grudges or something,” nakangiting sagot ng dalaga.

Dugtong pa ng blogger na noong nakikita niyang magkasama sina Hillary at Alex ay binulungan na niyang ‘gay’ ang aktor pero hindi naniniwala ang dalaga.

“Hindi nga ako makapaniwala before, siguro na-feel mo na may connection (kayo),” tumawang sabi nito.

May communication naman daw sina Alex at Hillary at nagkita nga raw sila nitong nakaraang taon kasama ang kapatid na lalaki ng aktor.

“Nag catch up kami, friends kami at hindi naging kami (Alex), almost,” pagtatapat ni Hillary.

Isa pang revelation na nalaman ng lahat kay Hillary na naging boyfriend pala niya si Diego Loyzaga at nauna siya kay Sofia Andres.

Kuwento ng dalaga, “Last year, iyon ang pinaka-down niya (Diego) ang dami niyang problems, ‘yun din ‘yung time na nagpahinga siya sa showbiz at nagkita kami before dumating ‘yung mga issues niya at nagkumustahan lang din kami at okay naman siya that time.

“We really good friends and we support each other at nalungkot ako nu’ng nalaman ko ‘yung news about him, na-affect talaga ako, akala ko kasi he’s doing good na.

“But now narinig ko from friends na okay na siya, he’s recovering and soon he’s going back to showbiz, sabi niya po but for now, nagpapahinga siya,” pahayag nu Hillary.

Isa pang naging close ng dalaga ay si Mario nu’ng nagkasama sila sa Be Careful with my Heart bilang ka-love triangle ni Janella kaya natanong kung nangyari na ito sa tunay niyang buhay.

Napangiti lang si Hillary at hindi naman sinagot ang tanong pero aniya, “Natuwa po ako kay Mario kasi he’s really a good guy. Pagpasok ko po sa set kaagad niyang pina-feel na hindi ako maging uncomfortable sa set and until now po good friends pa rin kami. Siya ‘yung nagustuhan kong tao na never nagbago simula noon hanggang ngayon, ganu’n pa rin ang attitude niya, mabait, thoughtful.

“Regarding sa nanligaw po si Mario, kinda but we end up friends. Nag-usap po kami na magkaibigan na lang kami at mas okay kami.”

Bakit lapitin ng boys si Hillary, “at first sabi nila snob ako, masungit but when they get to know me, nagugulat sila na I’m a nice person daw po, I’m sweet daw po. Feeling ko mas na-appreciate nila na mukhang mataray, hindi puwedeng kausapin (basta) pero pag nakausap, ah mabait pala siya (ganu’n) po. I think doon sila nasu-surprise, I’m a really serious person po when it comes to love and relationships. I’ll take it seriously talaga po.”

Samantala, isa si Hillary sa cast ng seryeng gagawin ng Asterisk at TV5.

-Reggee Bonoan