August 01, 2026

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

BINI, sinuportahan SB19 sa global stage

BINI, sinuportahan SB19 sa global stage
Photo courtesy: BINI_PH, SB19 Official (X)

Todo ang naging pagsuporta ng OPM girl group BINI sa SB19 bilang kauna-unahang Filipino act na nagtanghal sa prestihiyosong music festival na Lollapalooza sa Chicago, USA. 

Sa quoted repost ng BINI ng Lollapalooza update ng SB19 noong Biyernes, Hulyo 31, ipinahatid nila ang kanilang pagbati para sa “historic milestone” na ito. 

“Wohooo!! GENTO umangat ang Musikang Pilipino!” pagbati ng BINI

“@SB19Officialcongratulations on this historic milestone at Lollapalooza. Here’s to more wins for OPM!” dagdag pa nila. 

Sa nasabing historic performance, itinanghal ng SB19 ang ilan sa kanilang biggest hits tulad ng “Gento,” “DAM,” at “Lawless.” 

Musika at Kanta

SB19, kauna-unahang Filipino act na nagtanghal sa Lollapalooza!

Kasunod nito, inaasahang magsasagawa rin ng thanksgiving fan meetings ang SB19 sa US bago sila lumipad sa Japan para naman sa Summer Sonic 2026, na isa sa pinakamalaking music festivals sa Asya. 

MAKI-BALITA: SB19, kauna-unahang Filipino act na nagtanghal sa Lollapalooza!

Matatandaang nagtanghal din ang BINI sa Coachella Valley Music and Arts Festival 2026 noong Abril, kasunod ang kanilang guesting sa Grammay Museum at ang pagtanggap ng “Global Force Award” sa Billboard Women in Music 2026 sa Hollywood Palladium, Los Angeles. 

MAKI-BALITA: ‘Mabuhay ang musikang Pilipino!’ BINI, tinanggap parangal na ‘Global Force Award’ sa Billboard Women in Music 2026

KAUGNAY NA BALITA: BINI Aiah sa pagtuntong sa Coachella: 'Our younger selves are so happy!'

KAUGNAY NA BALITA: ‘Kaninong panaginip ‘to?’ BINI Sheena, hindi makapaniwala sa susunod nilang milestone