Tila hindi pa rin makapaniwala si BINI Sheena Catacutan sa susunod na milestone ng kanilang grupo matapos lamang ang mga kamakailang sunod-sunod na pagtatanghal at pagkilala abroad.
“for the nth time, KANINONG PANAGINIP TO ,” saad ni Sheena sa kaniyang reposted tweet sa X hinggil sa pagsali ng P-Pop girl group na BINI sa Summer Sonic Festival na gaganapin sa Japan sa darating na Disyembre 10.
Aniya pa, “dream country” din nila ang Japan, na tila mas nakadagdag pa sa excitement nila.
“TYL HUHU OUR DREAM COUNTRY !! BINI’S DREAM COUNTRY <3,” pagpapasalamat ni Sheena.
Hindi rin naman napigilan ng maraming Blooms na mag-reply sa retweet post ni Sheena bilang pagpapahayag ng kanilang suporta sa girl group.
“'di ko rin alam bebe kung kaninong panaginip 'yan e, amin na kayo guys kung kanino 'to! BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA jk CONGRATS BEBEEEE!! SO PROUD OF Y'ALL!!!”
“Buong taon ata ako iiyak para sainyo Girls, ilabas nyo na lahat please. Looord thank youuu. Deserve na Deserve nyo yaaaang Waloooo ”
“Bebe Hindi panaginip yan totoong nangyayari yan sa inyo kasi deserve nyo yan sa lahat ng sacrifices nyo.. always remember be grounded and always thank him first.. we love you BINI.. Let's Go!!! ”
“Congratulations, my walo, especially to bebe Sheena you born to be a performer tlagaa.....”
“Hnd to panaginip bebe sadyang blessing to sa inyo kac subrang hardwork nyo more blessings pa BINI ”
Matatandaang tinanggap ng BINI ang kanilang “Global Force Award” sa Billboard Women in Music 2026 noong Huwebes, Abril 30, kung saan, kinilala nila sa kanilang acceptance speech ang kanilang pamilya, ang pamunuang ABS-CBN, at ang Blooms.
MAKI-BALITA: ‘Mabuhay ang musikang Pilipino!’ BINI, tinanggap parangal na ‘Global Force Award’ sa Billboard Women in Music 2026
Kasunod ito ng kanilang makasaysayang pagtatanghal sa Coachella Valley Music and Arts Festival 2026 noong Abril 10 at 17, at ang guesting nila sa Grammy Museum noon namang Abril 22.
MAKI-BALITA: BINI Aiah sa pagtuntong sa Coachella: 'Our younger selves are so happy!'
KAUGNAY NA BALITA: DOT, pinarangalan BINI at KATSEYE dahil sa pag-represent ng Pinas sa Coachella