May 22, 2026

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

‘Mabuhay ang musikang Pilipino!’ BINI, tinanggap parangal na ‘Global Force Award’ sa Billboard Women in Music 2026

‘Mabuhay ang musikang Pilipino!’ BINI, tinanggap parangal na ‘Global Force Award’ sa Billboard Women in Music 2026
Photo courtesy: Billboard PH (FB)

Tinanggap ng P-Pop Powerhouse at Nation’s Girl Group, BINI, ang parangal na “Global Force Award” sa Billboard Women in Music 2026, na ginanap sa Hollywood Palladium, Los Angeles.

Sa kanilang acceptance speech, bagama’t tila hindi pa rin makapaniwala ang BINI sa kanilang parangal, lubos ang kanilang pasasalamat sa pagkakataong irepresenta ang musikang Pinoy sa global stage. 

“Standing here tonight is something we, BINI, could dream about. We are deeply honored to be given a chance to represent Filipino music at artists back home,” panimula ni BINI Colet Vergara sa kaniyang talumpati. 

“This is not just a milestone for us but also a responsibility we carry with so much pride,” aniya pa. 

Saad naman ni BINI Jhoanna Robles, hiling din nilang mabigyang-inspirasyon ang mga batang tumitingala sa kanila na mangarap at magkaroon ng pag-asang matutupad ito.

Musika at Kanta

Hollywood Pop Star Katy Perry, napansin ang 'Thinking of You' cover ni Jayda Avanzado

“We hope that we also inspire young girls watching this and realize that their dreams are also valid. No matter where they come from,” ani BINI Jhoanna. 

Pinasalamatan din niya ang kanilang pamilya, ang Blooms, at ang pamunuang ABS-CBN na sumuporta at gumabay sa kanilang artist at personal journey. 

“To our families. Hi mom, dad, we’re finally here! To our supporters, our Blooms. Hi, Blooms, we miss you! Of course, to our company, ABS-CBN. Thank you so much for taking a chance on these eight women and believing in us since day one,” pagkilala ni BINI Jhoanna. 

Aniya pa, ang parangal na ito ay tinatanggap nila hindi lamang bilang BINI, ngunit bilang proud Pinays. 

“We accept this award, not just as BINI, but more importantly, as proud Filipinas. Again, we are, BINI! Maraming salamat at mabuhay ang musikang Pilipino,” saad pa ni BINI Jhoanna sa pagtatapos ng kanilang acceptance speech. 

Matatandaang nagtanghal din ang BINI sa Coachella Valley Music and Arts Festival 2026 noong Abril 10 at 17, at gumuhit ng kasaysayan bilang kauna-unahang Pinoy artists na tumungtong rito. 

MAKI-BALITA: BINI Aiah sa pagtuntong sa Coachella: 'Our younger selves are so happy!'

KAUGNAY NA BALITA: DOT, pinarangalan BINI at KATSEYE dahil sa pag-represent ng Pinas sa Coachella

Kasunod nito ang kanilang guesting sa Grammy Museum noon namang Abril 22, kung saan, makikitang itinanghal nila ang ilan sa kanilang hit songs tulad ng “Unang Kilig” at “Cherry on Top.” 

Nakatakda namang magsimula ang world tour ng BINI sa darating na Hunyo, na sisimulan sa Maynila, patungong USA, Europa, at pabalik ng Asya. 

MAKI-BALITA: 'So it begins!' BINI, nakatakdang mag-world tour ngayong 2026!