May 22, 2026

Home SHOWBIZ

'So it begins!' BINI, nakatakdang mag-world tour ngayong 2026!

'So it begins!' BINI, nakatakdang mag-world tour ngayong 2026!
Photo courtesy: BINI (IG)

Matapos ang naging makasaysayang pagtuntong ng Nation’s Girl Group na BINI sa bibigating Coachella Valley Music and Arts Festival 2026 noong Abril 10 at Abril 17, nakatakda na silang rumatsada sa isang world tour ngayong taon. 

Ayon sa inupload na isang minutong video ng BINI sa kanilang Instagram noong Biyernes, Abril 24, 2026, mapapanood ang pormal nilang pag-aanunsyo ng kanilang world tour na magaganap mula sa buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre 2026. 

“SO IT BEGINS: FROM THE PHILIPPINES TO THE WORLD!” anila. 

Sa naturang post, nakatakdang magsimula ng world tour ang BINI sa Manila sa darating na Hunyo 20 hanggang Hunyo 21, 2026. Habang muli silang magpapatuloy ng concert sa Cebu sa darating na Hulyo 11, 2026. 

Matapos nito, magsisimula na silang lumipad sa Honolulu sa Hawaii ng United States of America (USA) sa darating na Agosto 1, 2026. 

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Agad itong susundan ng world tour sa mga sumusunod na malalaking siyudad ng US mula Agosto 5 hanggang Agosto 28, 2026. 

Los Ángeles - Agosto 5

Rohnert Park - Agosto 7

Las Vegas - Agosto 8

San Diego - Agosto 9

Vancouver - Agosto 18

Calgary - Agosto 21

Edmonton - Agosto 22

Winnipeg - Agosto 24 

Toronto - Agosto 27 

Brooklyn - Agosto 28 

Ngunit hindi pa rito natatapos dahil tuloy-tuloy pa rin ang magiging world tour ng BINI na nakatakdang ganapin sa mga bansa sa Europa mula Agosto 31 hanggang Setyembre 11, 2026: 

Amsterdam - Agosto 30 

Italy - Setyembre 1 

Paris - Setyembre 4 

London - Setyembre 6

Zurich - Setyembre 9

Dusseldorf - Setyembre 11 

Kapag natapos na sa Europa, magpapahinga muna ng mahigit isang buwan ang BINI at muli nilang itutuloy ang kanilang world tour sa darating na Oktubre 25, 2026 sa bansang Singapore at sa bansang Taipei naman sa darating na Nobyembre 16, 2026. 

Samantala, maaring bisitahin ang website na biniwt2026.abs-cbn.com na ipinaskil ng BINI sa kanilang account upang makabili ng ticket sa kanilang world na gaganapin sa loob ng bansa. 

KAUGNAY NA BALITA: BINI sumalang nang walang sound check, blocking, 30 min prep sa Coachella—Direk Lauren

KAUGNAY NA BALITA: SB19 sa pagbida ng BINI sa Coachella: 'Another huge win for P-Pop!'