May 15, 2026

Home SHOWBIZ Events

SB19 sa pagbida ng BINI sa Coachella: 'Another huge win for P-Pop!'

SB19 sa pagbida ng BINI sa Coachella: 'Another huge win for P-Pop!'
Photo Courtesy: SB19, BINI via ABS-CBN News (FB)

Binati ng all-male Pinoy pop group SB19 ang pagsampa ng Nation’s girl group na BINI sa entablado ng Coachella.

Ito ay isang taunang music and arts festival na  hango ang pangalan sa isang siyudad. Sa kasalukuyan, BINI pa lang ang kauna-unahang grupong nakakapagtanghal dito.

Sa isang Facebook post ng SB19 nitong Sabado, Abril 11, sinabi nilang malaking panalo umano ang milestone ng BINI para sa Pinoy Pop.

“BINIchella stage is another huge win for P-pop on the global stage! Congrats BINI_ph, you truly made the Coachella stage Blush tonight ” saad ng SB19.

Dagdag pa nila, “Mabuhay ang musikang Pilipino, sana'y magpatuloy ang panalo ng P-pop sa buong mundo!”

Events

Hirit ni Marina Summers sa standards sa pageants, tuhog din sa pagpili ng future leaders!

Kasama ng BINI sa Coachella ang ilan sa mga tanyag na musicians sa iba’t ibang bansa katulad na lamang nina Central Cee, Blood Orange, Ethel Cain, Moby, Devo, Slayyyter, at Novasol.

Basahin: Ano ang Coachella at bakit big deal ito sa music industry?

Samantala, nakatakda namang lumikha ng kasaysayan ang SB19 bilang kauna-unahang all-male Pinoy pop group na magtatanghal sa Lollapalooza 2026.