May 16, 2026

Home SHOWBIZ

BINI sumalang nang walang sound check, blocking, 30 min prep sa Coachella—Direk Lauren

BINI sumalang nang walang sound check, blocking, 30 min prep sa Coachella—Direk Lauren
Photo courtesy: Direk Lauren (TikTok), BINI (IG)

Kinuwento ng Star Magic Head at tumatayong “father figure” ng BINI na si Direk Lauren na hindi raw nagkaroon ng sound checking, blocking, at may 30 minutes lang daw ang naging preparasyon ng nasabing grupo sa makasaysayan nilang pagtuntong sa stage ng Coachella Valley Music and Arts Festival 2026.

Matatandaang dalawang beses na nakapag-perform ang BINI sa Coachella noong Abril 10 at Abril 17, 2026, isang tila malaking kasaysayan sa mundo ng mga artist at P-pop group sa bansa. 

Ayon sa part 4 video ng naging pagkukuwento ni Direk Lauren sa “BINI’s Coachella Journey” na inupload niya sa kaniyang TikTok account noong Biyernes, Abril 24, 2026, sinabi niyang dapat na malaman ng Blooms at lahat ng mga tagasuporta ng Nation’s Girl Group na masaya sila dahil sa malinis na ipinakita nila sa kabila ng tila hindi sapat nilang preparasyon bago tumuntong sa stage ng Coachella. 

“You have to remember na there was no sound check that was given to us, no blocking on stage for the girls, we only were given 30 minutes to bring in necessary lights to make all the adjustments with the audio without even the girls doing a sound check,” pagsisimula niya. 

Kuwento pa niya, “That was between the last performer to BINI that was only 30 minutes.” 

Vice Ganda, hindi makakasipot sa concert ni Jessica Sanchez

Ani Direk Lauren, sobrang kabado raw sila dahil hindi sila sigurado kung manonood ang Blooms at ang maraming tao sa performance nila dahil 4:00 pa lang daw ng hapon noon. 

“Sobra kaming kabado noon kasi we don’t know what to expect and we don’t know if BLOOMS or even people will be coming to watch them at 4:15 pm,” aniya. 

Dagdag pa niya, “Kabado kasi, two things, hindi mo alam kung pupunta ang tao. Pangalawa, wala talagang rehearsal on stage.”

Paglilinaw naman niya, tila buo naman daw ang tiwala nila na marami ang sumusuporta at nakasubaybay sa performance ng BINI, partikular sa pagtutok ng lahat ng bumubuo ng kanilang network na ABS-CBN. 

Saad ni Direk Lauren, masarap daw sa pakiramdam na alam nilang may mga taong manonood talaga sa performance ng BINI sa Pilipinas. 

Pagpapatuloy niya, ganoon naman daw ang Coachella at hindi naman daw nakakapagtaka na mas may rehearsal time ang mga grupo at artist na sumalang sa main stage naturang event, partikular sa KATSEYE, kina Sabrina Carpenter at Justin Bieber. 

“But that’s how Coachella is here. Maybe when we were in the bigger stage. Kasi ‘yong mga mas malalaking stages, like KATSEYE and the main stage of Bieber and si Sabrina, definitely, they were given a rehearsal time,” pagtatapos niya. 

KAUGNAY NA BALITA: BINI Aiah sa pagtuntong sa Coachella: 'Our younger selves are so happy!'

KAUGNAY NA BALITA: SB19 sa pagbida ng BINI sa Coachella: 'Another huge win for P-Pop!'