Gumawa ng kasaysayan ang P-pop powerhouse na SB19 bilang kauna-unahang Filipino act na nag-perform sa prestihiyosong music festival na Lollapalooza sa Chicago, USA.
Sa isang social media post na ibinahagi ng SB19 nitong Biyernes, Hulyo 31, inilahad nilang “proud” silang irepresenta ang bansang Pilipinas sa nasabing music festival.
“What an unforgettable experience! We hope we made an impact, and we're beyond proud to represent the Philippines at Lollapalooza. Maraming salamat,” saad ng SB19 sa kanilang post.
Sa performance na isinagawa ng P-pop powerhouse sa Lollapalooza, itinanghal nila ang ilan sa kanilang biggest hits tulad ng “Gento” at “DAM.”
Kasama rin sa naging performance ng SB19 ang latest single nilang “Lawless.”
Inaasahang magsasagawa ang grupo ng thanksgiving fan meetings sa US, bago lumipad patungong Japan para naman sa kanilang Summer Sonic appearance.