ISA si Adrianna So sa cast ng digital series na I Am U nina Julia Barretto at Tony Labrusca na kasalukuyang napapanood ngayon anumang oras sa iWant produced ng Dreamscape digital at IdeaFirst Company na idinirek ni Dwein Baltazar.

adrianna1

Binati namin si Adrianna dahil ang haba ng exposure niya sa I Am U bilang bestfriend ni Julia pero may gusto naman sa kanya dahil lipstick lesbian ang role niya.

“Oo nga po, natawa rin ako sa role ko, pero keri naman okay naman,” sagot ng dalaga nang maka-chat namin kahapon.

Events

Shaira, sumagot sa usisa ng netizen kung cancel na kasal nila ni EA

Umalis kaagad kasi si Adrianna pagkatapos ng I Am U special screening noong Martes kaya hindi na namin siya nakausap pa.

Sobrang nagpapasalamat si Adrianna sa Dreamscape dahil napasama siya sa I Am U na unang iWant project niya at winelcome siya ng co-stars lalo na si Julia na super bait sa kanilang lahat.

Nabanggit namin na may mga tsismis dati na mahirap ka work si Julia at matindi itong pinabulaanan ni Adrianna.

“May mga naririnig nga ako noon, pero napatunayan ko hindi totoo, mas maaga pa nga siya sa lahat na okay siya kasama,” pagtatanggol ni Adrianna kay Julia.

Ang sarap nga raw ka-eksena kasi nagbibigay daw si Julia.

Tinanong din namin si Tony kung kumusta katrabaho, “okay si Tony, mature ka-work. Actually, lahat sa set chill lang, pati si direk Dwein very hands on, kahit buntis siya, lalapit pa siya sa amin isa-isa at ituturo gagawin, masaya lahat,” kuwento ng dalaga.

Samantala, inalam namin kung okay kay Adrianna ang pa sexy role lalo na sa iWant na hindi masyadong mahigpit at kung okay din ang kissing scenes na mala-Momol Nights ni Kim Molina.

“Okay naman ako sa mga make out scenes, it’s part of life and art,” sambit ni Adrianna.

Wala naman siyang partikular na gustong makatrabahong leading man basta may project pero sa artistang babae ay si Cherie Gil ang pangarap niya.

“Ms Cherie Gil super dream maka-trabaho,” saad niya.

Sabi namin na kapag si Cherie ay tiyak na may sampalan, willing bang magpasampal si Adrianna.

“Ha ha ha that’s Cherie Gil ‘no, wala na question yan,” tumawang sabi ng aktres.

Nakuwento rin namin na positibo ang feedback ng mga nakapanood na ng I Am U at sana may season 2.

“Oo nga, narinig ko rin maraming nagkagusto, sana nga magkaroon ng season 2, kaso wala na ako, dead na ako, eh, ha, ha, ha,” tumawang sabi pa.

-REGGEE BONOAN