TRULILI kaya na lumolobo na ang ‘utang’ ng baguhang aktres sa mga kaibigan at kaanak dahil hanggang ngayon ay wala pa siyang regular show?
Buong kuwento sa amin ng isa sa taong nakakaalam sa buhay ng baguhang aktres, “kawawa talaga siya kasi wala siyang regular show, wala siyang raket, ayaw siyang paraketin ng management company niya, e, paano siya mabubuhay? Oo, binibigyan siya ng TV guestings, e, isang beses sa isang buwan, plus ang liit pa ng talent fee niya? Wala naman siyang ibang pagkukunan at bread winner siya.”
May co-manager ang baguhang aktres bago siya in-absorb ng network pero, “waley din naman si (manager). Hindi kayang mag-abono tulad ng ginagawa ng ibang managers na kapag walang panggastos ang alaga, sila muna ang nagbibigay saka na lang sisingilin. Si (manager) kay (baguhang aktres) umaasa, saka hindi rin naman din kalakihan pa ang clout niya (manager),” kuwento pa ng aming source.
Sana nga payagan ang baguhang aktres na maka-raket sa provincial shows para naman may panggastos sila ng pamilya niya.
“Pati nga pamasahe inuutang na rin kasi wala namang sasakyan o pa-service,”sabi pa.
Hindi bale, tiyaga-tiyaga lang dahil kapag nag-click naman ang mga project ng baguhang aktres ay baka hindi na niya kayang bilangin ang kita niya pagdating ng araw.
-Reggee Bonoan