August 14, 2026

Home BALITA National

Pax Silica, tinatayang kokonsumo ng 65-90 milyong litro ng tubig kada-araw!

Pax Silica, tinatayang kokonsumo ng 65-90 milyong litro ng tubig kada-araw!
Photo courtesy: Bangut River (MB FILE PHOTO)

Tinatayang maaaring umabot umano mula sa 65 hanggang 90 MLD o million liters per day ng tubig ang posibleng ikonsumo ng itatayong Pax Silica sa New Clark City, Tarlac. 

Batay ito sa naging pahayag ni Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President and Chief Executive Officer (PCEO) Engr. Joshua Bingcang sa ikinasang pagdinig ng Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change nitong Biyernes, Agosto 14, 2026. 

Sa hearing, kinuwestiyon ni Sen. Raffy Tulfo ang BCDA kung gaano raw karaming tubig ang maaaring makonsumo ng Pax Silica. 

“Tungkol sa tubig, ito ‘yong palaging nire-raise na mga questions… Ang makokonsumong water nito is how much daily?” anang senador. 

Tugon naman ni Bingcang, “Doon po sa initial assessment namin, Mr. Chairman, ay nasa 65 to 90 MLD…” 

National

Babala ng DENR-MGB: 3,756 barangay posibleng makaranas ng landslide, pagbaha

Urirat pa ni Tulfo,”‘Yan ay kukunin ninyo, sabi n’yo, sa mga ilog?” 

Paliwanag ni Bingcang, hindi naman daw sila kukuha ng tubig sa paraan ng ground extraction kung saan may mga nakatira at agrikultura, sa halip, gagawa daw sila ng mga tanke na mapag-iipunan ng mga tubig na magmumula sa mga ilog. 

“Ang gagawin po natin, ‘yon pong—hindi po ito ground extraction sa mga lupa, halimbawa po kung saan may mga residential o agriculture—ang gusto po natin dito ay ‘yong surface water harvesting,” aniya. 

Dagdag pa niya, “Gagawa po tayo ng mga tank para ‘yong mga surface water na nasa mga ilog, halimbawa ngayong tag-ulan, ay ire-restore po. ‘Yon ang lilinisin.” 

Paglilinaw ni Bingcang, sa mga water waste o umaagos lang daw sa ilog sila kukuha ng tubig para sa Pax Silica, partikular sa Bangut River, O'donnell River, at Abacan River. 

“Hindi po sa ground extraction. Hindi po kami kukuha doon dahil para sa residential po ‘yon. Ang tinitingnan po namin dito, ‘yong mga water waste, mga ilog kasi umaagos lang po ang mga tubig doon,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: ‘Perwisyo o benepisyo?’ Mga dapat malaman tungkol sa Pax Silica

KAUGNAY NA BALITA: First phase sa site development ng Pax Silica, aabutin ng 3 hanggang 5 taon!