BALIK-GMA 7 si Pops Fernandez sa upcoming reality show ng network na Centerstage at kasama si Aicelle Santos at musical director Mel Villena, silang tatlo ang magiging resident judges ng reality show para sa mga bata.

Pops

Maalalang matagal napanood sa Kapuso Network si Pops dahil host sila ni Martin Nievera ng The Penthouse Live na umere mula noong 1982 hanggang 1987. Ang ibang labas ni Pops sa GMA-7 ay naggi-guest siya.

Sa Centerstage, isa si Pops sa judge at posibleng mag-perform paminsan-minsan. Ginagawa ito ng mga judges ng The Clash, kaya hindi malayong gawin din nina Pops at Aicelle.

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

Si Alden Richards ang host ng Centerstage na hindi pa sinasabi kung kailan ang start ng airing at kung sino ang director. First time makakasama ni Pops sina Aicelle at Alden, samantalang si Mel, naging musical director na yata ni Pops sa kanyang mga concert.

Heto ang description sa Centerstage: “Centerstage will feature kids from 7 to 12 years old trying to outshine one another to take and defend his/her place on the center stage.

-Nitz Miralles