Kumakailan lang ay tinanghal na Noble Queen Of The Universe-International ang nag-iisang anak ni Imelda Papin na si Maffi Papin Carrion na ang full name na ginamit sa naturang beauty pageant ay Maria France Imelda Papin.
Siyempre pa, ang unang nagbunyi and cried tears of joy para kay Maffi ay ang kanyang Mommy Dearest na ngayon ay Vice Governor ng Camarines Sur.
But unknown to many, Imelda was a candidate at the Miss Republic of the Philippines representing CamSur in Bicol and won as Miss Talent bago ito pumalaot sa mundo ng musika at showbiz.
Bago ang coronation night ng beauty pageant ay nagkaroon ng freak accident si Maffi at nagka- sprained foot when she guested in a noontime television program and suffered so much pain.
Pero hindi ito naging sagabal para kay Maffi bagkus ay nagpakatatag siya sa advise at prayers ng kanyang Mommy Dearest, armed with a positive frame of mind, pumunta siya sa isang hotel na malapit sa venue of the pageant event at nag-check in dito na naka-wheel chair then dumeretso sa venue ng coronation night of said beauty pageant.
And whoooaaa, Maffi not only won the grand title kundi pinarangalan din siyang Ms Photogenic and Best In National Costume as well. Nakuha rin niya ang special prize ng Ms. Swan representing beauty, health and wellness.
-Mercy Lejarde